TAM 27

1934 Words

GRACE Napatitig siya sa hawak niyang kape na may swan art. Gustuhin niyang uminom kaya lang nasasayangan siya sa desinyo. Ayan tuloy hindi niya mainom ang kape. Ngumuso siya at tumingin na lang sa labas ng coffee shop. Maaga kasi siyang nagising kaya dito muna siya nagmumuni-muni. Madali lang naman itong puntahan dahil nasa tapat ng kanilang building ng hotel ang coffee shop. Buti na lang ay binigyan siya ng pera ni Sir Nathaniel kung ‘di hindi siya makakapagkape. Mahilig siyang magkape kaya hindi pwedeng walang kahit ni -isa siyang maiinom sa isang araw. Napatingin siya sa batang may dalang barbie doll at sa tingin niya’y kaedad lang ito ni Katalina. Kumusta na kaya ang kapatid ko? Nakakain ba ito nang mabuti o ‘di kaya ay nakatulog ito nang maayos? -tanong niya sa kawalan. Napabalin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD