GRACE Nagtatakang napatitig na lang ang dalaga kay Sir Nathaniel na dire-diretso pumasok sa silid nito. Hindi niya mawari kung ano ang iniisip nito dahil blangkong tinin ang pinukol nito sa kanya. Pagbukas pa lamang kasi niya sa pintuan ay walang kangiti-ngiti sa mga labi nito. Nakapagtataka na nag-iba ang mood nito kung kanina ay okay pa naman ito. Siguro may ibang taong iniinis ang lalaki kaya wala itong ganang pumansin. Teka nga… Bakit ba niya inaabala ang sarili tungkol sa lalaki? Unang-una ay wala siyang karapatan na manghimasok sa buhay nito. Kumibit-balikat na lang siya at tumungo na lang siya sa sala at kinalikot niya ang cellphone na binigay sa kanya ni Sir Nathaniel. Kumunot ang noo niya na walang message o tawag si Nadia sa kanya. Nakapagtataka kasi na hindi nito sinasagot an

