NATHANIEL Malakas niyang binato sa dingding ang boteng hawak niya kaya naglikha iyon ng ingay sa loob ng office ni Dave. Nagpupuyos siya sa galit. Galit siya sa sarili, hindi sa dalaga. Napakagago niya dahil sa kanyang ginawa. Nagsisisi siya sa kanyang nasabing masasakit dito. Hindi na niya mabawi ang lumabas sa bibig niya dahil nasabi na niya iyon. Napahagod siya sa kanyang buhok dahil hindi na niya alam kung anong dapat gawin. Naguguluhan siya sa kanyang nararamdaman. Gusto niya itong makasama, pero may bahagi sa puso niya na hindi pwede. Gusto niyang manatili si Grace sa kanya habang kasal pa sila ni Aleia. He wants her, and he knows that only Grace can put him at peace. Out of frustration, he kicked the chair in front of him. He has no idea where to begin to solve his problem. He's a

