NATHANIEL Tahimik sila sa hapagkainan at walang nagsasalita maski isa sa kanila. Napatitig siya sa dalaga at wala talaga itong balak na kausapin siya dahil hanggang ngayon ay galit pa rin ito sa kanya. Kasalanan naman kasi niya kung bakit ito galit. Hindi niya ito masisisi kung bakit ganito ang trato nito sa kanya. Silent treatment ang ginawa nito ngayon. Pasimple niya itong tiningnan. Napabuntong-hininga siya dahil hindi man lang ito tumingin sa kanya. Kanina pa ito na walang imik at tutok lang ang atensyon nito sa pagkain. Kanina pa siya nagsasalita rito sa harapan ng dalaga, ngunit para siyang isang hangin na hindi nito nakita. “Kung tapos ka na pong kumain ay maaari ka na pong umalis sa pamamahay ko,” mapaklang wika ni Nadia sa kanya. Alam naman niyang hindi siya welcome rito kaya

