NATHANIEL "Fvck you!" Isang malutong na mura ang natanggap ni Dave mula sa kanya. Tatlong oras nang lumipas matapos ang operasyon niya sa bone marrow transplant at nandito siya sa isang private room ng hospital kasama si Dave. Isang malakas na batok ang natanggap niya mula rito. Akalain mo ba naman na pagkarating nito ay agad siya nitong sinigawan. Hindi ito makapaniwala na napatitig sa kanya. “Anong pumasok sa isipan mo na maging donor kay Katalina? Gan’yan ka na ba kahibang kay Grace? Alam mong may trabaho ka pang dapat tapusin at malapit na ang deadline no’n! Nalaman ko na sinuntok mo pa si Mr. Valmorida dahil lang sa kanya?” Napatiimbagang siya sa sinabi nito. Nagpanting ang tainga niya sa kanyang narinig mula rito na dahil ‘lang’ kay Grace. "Did you hear what you said? She is a

