GRACE Napahawak siya sa kanyang mga labi. Hanggang ngayon ay ramdam pa rin niya ang halik nito. Ang mapupula at malambot nitong labi ay parang nararamdaman pa rin niya. Hindi siya makapaniwala sa ginawa nito kahapon. Hindi siya nito tinigilan sa paghalik nito. Nahiya sa kanila ang hangin sa sobrang dikit nilang dalawa. Masaya siya dahil hindi na siya nito tinulak papalayo rito at hinayaan siyang manatili sa piling ng lalaki. Gusto niya si Nathan kahit saktan pa siya nito ay okay sa kanya kaysa hayaan niyang mawala ito sa kanya. Alam niyang mali, pero wala namang masama kung gusto niya ang lalaki. Ang mali lang sa kanya ay pumatol siya sa may asawa na. Alam niyang wala siyang panghahawakan kay Nathan. Alam niyang isa lang siyang kabit, pero gusto niya ang lalaki. Gusto niyang punan ang p

