GRACE Nakapangalumbabang humarap siya sa kapatid niyang si Katalina na abala sa kinakain nitong prutas. Hinahaplos niya ang malambot nitong buhok at naluluhang napatitig siya rito. Sobra siyang nangungulila sa kapatid niya na ngayon lang niya nakasama. Hindi niya inaasahan na halos dalawang taon nilang paghihiwalay ay makakasama na niya ito at makakausap na niya ang kapatid niya. Napaangat ang tingin nito sa kanya at ngumiti. Tumulo rin ang luha nito kaya pinunasan niya ang mga mata ng kanyang kapatid. “Makakasama na kita ngayon at magagawa na natin ang gusto mo. Pupunta tayo sa kung saan at bibilhan kita ng mga kailangan mo.” Napaisip siya sandali. Maaari nga kaya niyang isama ang kapatid niya sa ganitong kalagayan? Papayag naman siguro ang doktor o nars nito. Tinapik niya ang balikat

