NATHANIEL Nang makalabas siya sa silid ng kanyang ina ay agad siyang bumaba. Nakita niya ang kanyang kapatid na naglalagay ng pulbo sa likod ni Santi. Napatingin siya sa panganay nitong anak na si Stein. Kitang-kita niya ang busangot ng mukha nito. Napailing na lang siya sa kanyang pamangkin. Katulad na katulad ito sa kapatid niyang mahilig bumusangot kapag nagtatampo. Kaya inagaw niya ang atensyon sa mag-ina. Lumapit siya sa bunso nilang kapatid at hinalikan niya ang tuktok ng ulo nito bago niya pagtuunan ng pansin si Stein. Ginulo niya ang buhok ng pamangkin niya. Natawa na lang siya nang bigla itong yumakap sa kanya kaya umupo siya sa kabilang upuan na one seater sofa at pinaupo niya si Stein sa kanyang kandungan. Yumuko siya ng kaunti upang magpantay ang kanilang mukha. Tinitigan niya

