GRACE Nagising na lang ang dalaga sa masuyong paghaplos sa kanyang pisngi. Napatingin siya sa lalaki na nakatitig na pala sa kanya habang ang kamay nito ay nasa kanyang buhok. Ngumiti ito sa kanya. Napatitig siya sa mukha nito. Aaminin niyang gwapo talaga si Nathan. Para itong hulog ng langit. Makapal ang kilay, mga mata nitong puno ng emosyon, ang ilong nitong matangos at mapupulang labi nito. Inangat niya ang kanyang kamay at hinaplos niya ang makakapal nitong kilay. Hindi niya namamalayan na may ngiting sumilay sa kanyang mga labi. Hindi siya makapaniwala na nasa harapan niya ito at magkatabi silang natutulog sa kama. Wait! Magkatabing natulog sa kama? Ngayon lang sumagi sa kanyang isipan ang posisyon nila. Nanlalaki ang kanyang mga mata at napabalikwas siya at nagmamadaling bumaba sa

