NATHANIEL Napangiti na lamang siyang pinagmasdan ang dalaga na tumatakbo sa dalampasigan. Mas gusto niya ang ganito na masaya kasama si Grace. Gusto niyang makasama niya ito at bigyan ang sariling sumaya kahit sandali lamang. Alam niyang mali ang kanyang ginagawa dahil may asawa siya, pero kapag kasi kasama niya ang dalaga ay nawawala saglit ang problema niya na para bang isa itong gamot na kayang gamutin nito ang lungkot at sakit na nararamdaman niya. Inabot niya ang kamera na nasa tabi lang niya upang kunan ito ng palihim na litrato. “Nathan, anong ginagawa mo?” Taka itong napatingin sa kanya at pinameywangan siya. Tinaasan siya nito ng kilay. Natawa na lang siya sa gesture nito. Kapag ayaw nito ang gagawin niya ay kokontrahin siya. Sasabihin kung ano ang gusto nitong sabihin. Hindi

