GRACE Napatingin siya sa papalayong pigura ni Nathan. Hindi na ito lumingon sa kanyang kinaroroonan. Patuloy pa rin itong naglalakad patungong labas. Sa totoo lang, naguguluhan na siya rito. Tama naman na sinabi niya kung ano ang saloobin niya rito. Hindi na kasi pwedeng ilihim niya ang mga katanungan niya. Sobra na siyang naguguluhan dito. Ito na ang nagsabi sa kanya no’ng una pa lang na hindi siya pwedeng magkagusto rito, pero bakit gusto pa nitong mas higit pa doon? Gusto pa nitong mahulog siya rito. Sumasakit ang ulo niya sa pinaggagawa nito. “Ma’am, wine?” Napahawak siya sa kanyang dibdib sa gulat dahil sa pagsulpot ng waiter. Panay hingi ito ng sorry dahil sa kanyang pagkagulat. Nang mahimasmasan siya ay agad siyang ngumiti sa waiter na may bitbit na wine. Tumanggi siya rito dahil

