GRACE Pinagbuksan kaagad siya ng pintuan ng sasakyan at nagpasalamat siya sa driver. Paglabas pa lamang niya ay agad na bumati sa kanya ang mga staff. Ngumiti siya sa mga ito at nagsimula nang maglakad papasok ng gusali. Sumalubong kaagad sa kanya ang kanyang assistant na si Penny. “Good Morning, Miss Cinco!” “Good Morning, Penny. What is my schedule for today?” tanong niya habang siya ay abala sa kakatingin sa paligid. Lahat ng mga tao sa loob ay abala sa kanilang ginagawa. Palaging abala ang mga ito dahil sa nalalapit na event na pinasasagawa niya. Yes, lalabas na ang bagong design nila. Excited na silang lahat dahil malapit na rin matatapos ang kanilang pagpupuyat, pagod at mataas na pasensya na maging successful ang gaganapin na event. Pinaghirapan nila ito kaya dapat itodo na ang

