NATHANIEL Hindi niya alam kung anong naramdaman ng mga oras na iyon. Para siyang namanhid sa kanyang nasaksihan. Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig sa buong katawan niya. Ang akala niya ay masusurpresa ito sa kanyang surpresa, iyon naman pala’y siya ang masurpresa sa mismong anibersaryo nila. Nabitawan niya ang pumpon ng rosas at naglikha iyon ng ingay. Napalingon ang kanyang asawa sa kanyang direksyon at nakita niya kung paano nanlaki ang mga mata nito at napaawang ang bibig nang makita siya. “N-Na-Nathan-niel…” Biglang bumalik sa kanyang alaala ang mga nasaksihan niya sa loob ng silid nito. Mga kagamitan na nasa loob kung saan ang mga couple shirts, couple mugs, at couple keychain. Nangingilid ang kanyang mga luhang napatitig kay Aleia. Bumalik ang mga nangyayari sa kanila nit

