GRACE Malakas na sinarado niya ang pintuan ng kanyang silid at ni-locked ito para hindi makapasok si Sir Nathaniel. Marahas na pinunasan niya ang kanyang luha sa kanyang mga mata at huminga ng malalim para maibsan ang pagsampal sa katotohanan na isa siyang bayarang babae. Wala nga pala siyang karapatan na mangialam sa buhay ng lalaki dahil isa lang siyang sampid. Sana pala hindi siya lumabas ng silid at hinayaan na lamang ang dalawa. Masakit masampal sa katotohanan na bayaran lang siya, pero dapat ba nitong ipagmukha sa kanya na isa siyang parausan, pukpok o ‘di kaya ay pampainit ng katawan nito? Kailangan ba nitong ipagdiinan sa kanya na gano’n siyang cheap na babae? Porque binayaran siya nito ay pati pagkatao niya ay dudurugin nito? Kinuha niya ang kanyang cellphone sa bedside table at

