GRACE “What do you want to wear, Grace?” Matamlay siyang tumingin kay Sir Nathaniel na walang tigil sa pagbili ng susuutin niya. Kanina pa sila umiikot sa mall na pinuntahan nila rito sa New York. Tumango lang siya rito at patuloy na rin itong bumibili ng kung anu-ano. Hindi niya alam kung ano pa ang binibili nito dahil wala talaga siya sa mood na gumala o mag-window shopping. Lumilipad ang kanyang isipan kung anong nangyayari sa kapatid niya. Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang balita kay Katalina. Gusto na niyang makausap ito. “Grace, are you with me?” Napakurap-kurap siyang nakatingin dito at nakita niyang may hawak na itong damit na pambata. “P-po?” Malalim itong humugot ng hangin na para bang nawawalan na ito ng pasensya. Tiningnan siya nito na para bang binabasa nito ang kany

