NATHANIEL Napatitig siya sa kawalan habang hawak niya ang beer na nasa kanang kamay niya. Hanggang ngayon ay binabagabag pa rin siya sa sinabi ni Grace sa kanya. Hindi niya alam kung tama ba itong sinuong niya. Hindi niya alam kung kaya ba niyang masuklian ang pagkakagusto nito sa kanya. Alam niyang masasaktan niya ang dalaga kaya natatakot siyang sumuong ulit sa relasyon na delikado. Wala kasing kasiguraduhan na kaya niyang magmahal ulit ng ibang babae. Ayaw niyang magkulang sa isang relasyon. Natatakot na siya at ayaw na niyang sumugal ulit baka mabaliw na siya sa huli, pero natatakot siyang mawala ito sa kanya. Natatakot siyang may iba itong lalaking kahuhumalingan at iyon ang kanyang totoong nararamdaman. Talagang gusto niya ang dalaga at hindi na niya pwedeng itanggi iyon dahil ang

