GRACE “Are you ready?” Napalingon siya at nakita niyang sumilip ito mula sa pintuan. Ngumiti siya rito bago niya binalik ang tingin sa salamin. Nasa harap siya ng full body mirror at sinipat ang kanyang sarili kung bagay ba ang suot niyang dress. Nabaling ang kanyang tingin kay Nathan dahil ramdam niya ang tingin nito sa kanyang katawan, mula ulo hanggang paa. “Bagay ba?” Tumango ito sa kanya at sumilay ang ngiti nito sa labi. Isang genuine smile ang nakita niya mula sa mga labi ng lalaki. “It looks good on you, Grace. Tama nga ang pinili kong dress dahil unang tingin pa lang ay alam kong nababagay sa’yo. You are beautiful indeed, Grace.” Nakaramdam siya ng kilig sa tingin na pinukol nito sa kanya at nadagdagan ang kumpiyansa niya sa sarili. Inayos niya muna ang kanyang sarili bago

