GRACE Nakaupo siya ngayon sa nakalatag na picnic mat. Natatawang pinagmasdan niya ang anak niya at si Edric na naghahabulan sa harden. Kahit na nahihirapan sa pagtakbo si Theodore ay pilit pa rin nitong hinahabol si Edric. Sobra siyang nagpapasalamat na nakahanap siya ng lalaking mahal na mahal siya at minahal ng lubos bilang anak ni Edric si Theodore. Walang kulang ang pagpapakita at pagpaparamdam nito sa kanya kung gaano siya nito kamahal at kung gaano siya kaswerte rito. Minsan lang talaga mahanap ang isang katulad ni Edric. Kaya sobra niyang maswerte dahil siya ang mahal nito. Umaapaw ang blessings niya sa buhay dahil binayayaan siya ng napakagwapong anak at nakamit niya ang kanyang gusto. “Habulin mo ako, Theodore! Habulin mo si Dada!” sigaw ni Edric habang binabagalan nito ang pagt

