GRACE CINCO Napakunot ang noo niya sa kanyang nadatnan nang makita niya na sambakol ang mukha ng mga staff. Umagang-umaga ay ganito ang kanyang nadatnan. Nilapitan niya si Claire, isa sa designer nila. “You look upset, Miss Claire. Did something happen?” Walang kangiti-ngiting humarap ito sa kanya. Halatang wala nga sa mood na makipag-usap ito. Alam na niya ang rason kung bakit. Pinagalitan na naman ito ni Edric. "I was having a rough day. I'm not sure why they chose me as one of the Philippines' staff members. They want to send me to your country, but I have opted to stay." Napaawang ang kanyang bibig dahil sa kanyang narinig. Matagal na niyang alam na balak ni Edric na ipadala si Miss Claire sa Pilipinas. Hindi niya akalain na ngayon na pala ito ipapadala sa Pilipinas. Halatang aya

