NATHANIEL Pagod na kararating lang niya galing sa trabaho sa bahay nila at pagbukas niya ng pintuan ay isang nanggagalaiting Aleia ang sumalubong sa kanya. Napapikit siya ng may tinapon ito sa kanyang mukha. “Ano ito, Nate?” Kunot-noo niyang tiningnan ang tinapon sa kanya. Dinampot niya at nakita ang mga litrato nila ni Grace na masayang nagsasama. “Ano na naman ang problema mo? Kararating ko lang dito sa bahay, Aleia! Ito pa mismo ang bumungad sa akin? Could you please give me a break? Not all the time ay sasaluhin ko ang tantrums mo!” He hissed at her and clenched his teeth. “Tingnan mo! Para malaman mo ang ginawa mo. Iyong babaeng tinulungan mo at nakakasalubong ko ay nag-iisang babae pala. Siya pala ang kabit mo!” Salubong ang kilay niya sa pinagsasabi nito. Nagpanting ang kanya

