NATHANIEL Kanina pa niya pinagmasdan ang dalaga na masayang nakikipag-usap kay Mr. Valmorida. Hindi niya malapitan si Grace dahil palaging umaaligid ang boyfriend nito. Kailangan niyang mawala sa kanyang landas si Mr. Valmorida. Kailangan niya ng tulong kay Kristela at sa boyfriend nito na isa rin sa major shareholder ng Valmorida’s Clothing Line. Tumayo siya at nilapitan si Alexander. “Alexander, pwede mo ba akong tulungan?” Napahinto ito sa pakikipag-usap sa asawa nito. Humarap ito sa kanya at nagtataka siya nitong tiningnan. “Anong maitutulong ko sa’yo, sir?” “Can you give him some hard liquor?” Kumunot ang noo nito. “Why, sir? Anong dahilan para bigyan ko siya ng alak?” “It’s because of Grace.” Biglang lumiwanag ang mukha nito at napaangat ang gilid ng labi nito. “Ibig sabihin

