GRACE Sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Nasa harapan niya ito na nakatalikod sa direksyon niya. Dito siya dinala ni Sir Nathaniel sa labas ng cottage nila dahil gusto nitong makalanghap ng sariwang hangin. Hindi niya malaman kung ano ang nasa isipan nito at kanina pa ito nakatitig sa kawalan. Hindi niya maintindihan kung bakit panay buntong-hininga ito. Kanina pa niya napapansin sa ekspresyon ng lalaki na pinipilit nitong itago ang sakit. Kahit ngumiti ito sa kanya ay hindi maitago ang lungkot sa mga mata nito. Hindi siya matatahimik kapag hindi niya itatanong dito. “Sir…” “Hmmm?” “Gano’n mo ba talaga kamahal si Miss Aleia?” kuryusong tanong niya rito sabay abot sa juice na tinimpla niya kanina. Sumandal siya sa kanyang upuan at mataman niya itong pinagmasd

