TAM 4

1969 Words
GRACE Mahigit alas singko na rin siya na nakalabas sa bar dahil sa dami ng customer nila. Hindi naman siya pwedeng umuwi dahil iyon ang request ng boss nila. Humingi kasi ito ng pabor sa kanila na iyong alas siyete hanggang ala-una ay mag-overtime at hindi naman siya nagdadalawang-isip dahil sinabi ng boss nila na doble ang sahod nila. Napahinga na lang siya ng malalim nang wala pa ring motorsiklong dumaan sa daan. Hindi na siya makapaghintay na umuwi sa bahay niya. Gusto niyang humilata sa kama at matulog ng buong araw dahil sa pagod at puyat. Iyon nga, malaki ang sahod na binigay, pero papatayin naman ang katawan mo dahil sa trabaho. Wala naman siyang choice kung ‘di kumayod dahil wala naman siyang aasahan bukod sa sarili niya. Umupo siya sa malapit sa poste at sinandal ang kanyang likuran. Ipinilig niya ang kanyang ulo dahil sa antok na nararamdaman. Wala naman kasi si Nadia ngayon dahil inutusan ito ni Sir Dave na dalhin ang mga ilang kagamitan sa bahay nito. Hindi niya rin alam kung bakit at kahit gusto niyang malaman kung ano ba ang lihim nito sa kanya. May something kasi sa dalawa at hindi rin niya matukoy kung ano iyon. Meron silang malalim na koneksyon na hindi niya maipaliwanag. Iyong tingin kasi ni Sir Dave kay Nadia ay may ibang kahulugan. Bigla siyang napatayo nang makita niyang may paparating na motorsiklo kaya kumawat siya para mapansin siya nito. Nabunyi siya nang patungo ito sa direksyon niya at agad niyang sinabi kung saan siya nito ihahatid, pero bigla itong tumanggi dahil malayo ang lugar niya. Napaikot na lang siya ng mga mata dahil sa rason nito. Hindi sana siya sasakay ng motorsiklo kung hindi malayo ang sa kanila. Kaya nga may sakayan para ihatid siya. Napasabunot na lang siya sa kanyang buhok dahil mag-aantay na naman siya ng ilang minuto o higit pa roon. Gusto niyang maiyak sa inis. Bakit ba kasi ngayon pa na walang ganitong motorsiklo? Gusto na niyang matulog at makapagpahinga. Nagpapadyak siya sa kanyang mga paa dahil hindi niya maitago ang inis. Napameywang siya at napabuga ng hininga. Napatingin siya sa kanyang orasan at napaiyak na lang nang makitang mag-aalas sies na. Aishhh! Kapag wala siyang tulog ay gusto niyang magwala. Isang malakas na tili ang pinakawalan niya. Napatalon siya sa gulat sa isang malakas na busina sa sasakyan ang nagpagulat sa kanya. Napahawak siya sa kanyang dibdib. Sinamaan niya ng tingin ang kung sinuman ang nasa loob ng pulang sasakyan. Binaba nito ang bintana at bumungad sa kanyang paningin ay walang iba kung 'di si Sir Nathaniel. "S-Sir?" Hindi siya makapaniwala na nandito ito mismo sa harapan niya. "Halika, ihahatid kita dahil alam kong walang sasakyan ang maghahatid sa'yo. Sa tingin ko ay malayo ang lugar ninyo. Hindi naman kita pwedeng hayaan na mukhang tanga diyan sa gilid ng daan na sumisigaw," natatawang tugon nito. Iyon na nga maganda sana ang offer nito kaya lang tinawag siyang tanga, naiinis siya. Wala pa naman siya sa mood na makipagbiruan kapag ganito siya na walang tulog at wala pang motorsiklong dumating. Itong lalaking ito ay dumagdag pa sa pagkakairita niya. "Huwag na, sir. Siguro, mamaya ay darating din ang mga iyon." Naasiwa pa rin siya kapag kaharap niya ito. Hindi talaga siya sanay sa presensya ng lalaki. Kumunot ang noo niya ng mahina itong natawa. "Bakit?" "How many minutes or hours have you been waiting for the motorcycle? I think the reason why the driver left you was that your place was far from here." Pasimple niyang minasahe ang noo niya dahil nagsimula iyong sumakit. Kailangan na talaga niyang umuwi at makapagpahinga. Kaya tumango na siya rito at akmang bubuksan na sana niya ang pintuan nang bigla nitong sinabi na huwag. Salubong kilay na napatingin siya rito nang bumaba ito ng sasakyan at pinagbuksan siya nito ng pintuan. Namangha naman siya sa sweet gesture nito dahil ito pa talaga ang nagbukas ng pintuan para sa kanya. Swerte ng babaeng mahal nito dahil nakikita naman niya ang lalaki ay mabait at malambing. Minsan lang iyong lumalabas sa bibig ay nakakasakit na. Katulad na lang sinabi nitong mukha siyang tanga. Pumasok na rin siya sa loob ng sasakyan. Napapikit siya sa sobrang manly ng pabango nito at nanunuot talaga sa ilong niya ang bango nito. Hindi masakit sa ilong at nakakaakit ang bango niyon. Napasandal siya sa upuan nito at sinabi niya na rin ang lugar kung siya nito ihahatid kaya pinikit niya ang kanyang mga mata. Hindi na niya namalayan na nakatulog siya. --------- Hindi lang isa o dalawang beses dahil nasundan pa ang paghatid nito sa bahay nila. Nagtataka na siya dahil sa sunod-sunod na paghatid nito, pero hindi na lang siya nagtanong. Hindi talaga siya matatahimik kapag hindi niya alam kung bakit. Bakit feeling close ito sa kanya? Siguro dahil binibigyan lang niya ng ibang kahulugan ang pagiging mabait nito. Pero ngayong araw na ito ay hindi na siya nakapagpigil na hindi tanungin ang binata kung bakit siya nito palaging hinahatid. "Sir Nathaniel, nagtataka lang po ako kung bakit palagi ninyo na akong hinahatid sa amin? Huwag ninyong mamasamain ang tanong ko po dahil nagtataka lamang ako kung bakit. Hindi naman kasi tayo magkakilala o close sa isa't-isa." Napasulyap ito sandali sa kanya bago nito itinuon ang atensyon sa daan. "Nakikita kasi kita rito na panay hintay ng sasakyan. Hindi naman ako masamang tao para hayaan kitang naghihintay ng ilang oras diyan sa labas ng bar ni Dave at saka kapag ganitong oras ay bumibisita ako sa mga pamangkin ko kaya nadaanan kita. Isa pa ay hindi naman gaano kalayo ang bahay ko rito," paliwanag nito sa kanya at katahimikan naman ang nananaig sa kanila. Napabaling ang atensyon niya sa labas ng bintana at doon na itinuon ang paningin niya para malibang siya. Para mawala ang pagkailang niya sa binata at hindi niya iyon pinahalata dito. Napangiti na lang siya ng mapait nang makita ang mga tuff toys na ang tawag ng kapatid niya ay dinosaur na bakla. Favorite kasi ni Katalina ang palabas na iyon at gustuhin niyang padalhin ito ay kinakapos naman siya sa pera. Hindi naman kasya ang sahod niya kapag magpadala pa siya. Hindi niya alam kung kailan siya makakaraos, kung sa sahod pa lang niya ay hindi na talaga kasya dahil sa gamot ng kapatid niya. Mas lalong nagmahal ang gamot at bilihin. Hindi na nga niya alam kung paano pagkasyahin. "Nandito na tayo, Grace," rinig niyang sabi ni Sir Nathaniel kaya napatingin siya rito. Nagpasalamat na siya rito at bumaba na rin ng sasakyan. Pagkababa niya ay bumusina na rin ito na aalis na. Nakatanaw na lamang siya sa papalayong sasakyan ni Sir Nathaniel at napangiti na lang siya dahil hindi niya akalain na may kabaitan ang binata. May mga lalaki kasi na nagbabaitan lang dahil may gustong makuha sa'yo, pero si Sir Nathaniel ay iyong tipong lalaking alam mong mabait. ——— NATHANIEL "Tito!" Napangiti siya nang makita niya ang kanyang mga pamangkin na nagsitakbuhan na patungo sa kanya. Yumakap ang apat na anak ni Kuya Vince na sina Clark, Benedict, Israel at Chlaristine. They are quadruplets at madali lamang silang makilala dahil sa kanilang nunal, at kilos ng mga ito. "Where're our toys, tito?" Ginulo niya ang buhok ni Benedict dahil alam talaga nito na may dala siyang pasalubong. Tinawag niya ang dalawang nagbabantay sa mga bata na kunin ang mga pasalubong niya. Agad naman itong sumunod sa sinabi niya at siya naman ay hinalikan niya sa tuktok ng ulo ang mga ito. Natatawa siya na lang siya dahil pinugpog siya nang halik sa pisngi at natumba sila pareho sa sahig. Napahalakhak siya dahil sa sobrang kulit ng kanyang pamangkin. "Kids, enough. Hindi na makahinga ang tito ninyo." Natatawang saway ni Vince sa mga anak kaya umalis ang mga ito sa pagkakadagan sa kanya at siya naman ay tumayo na rin mula sa pagkakahiga. "Kuya!" Punok ng galak na niyakap niya ang kapatid at hinagkan niya ito sa noo. Ganoon din ang ginawa sa kanya ni Kuya Vince. It is natural for both of them to kiss each other on the forehead, and it's a way of respect and love for each other. "How are you, Nate?" nakangiting tanong nito sa kanya at napakunot ang noo niya nang tumingin ito sa paligid. "Bakit?" "Where's your wife?" May pagtatakang tingin ang pinukol nito sa kanya. "Nasa Amerika, Kuya." Salubong ang kilay nito na tiningnan siya. "For what?" Napahinga siya ng malalim dahil hindi talaga siya titigilan nito kapag hindi siya magsasabi kung saan ang asawa niya. Wala naman kasing pagbabago dahil ang binibigyan lang nito nang oras ay ang trabaho nito. Kahit abala siya sa kanyang trabaho ay may oras siya sa kanyang asawa at tutok ang atensyon niya rito. Naiintindihan naman niya ang trabaho ni Aleia kaya lang habang tumatagal ay naiinip na siya. Aleia will always be his priority and always will be. He doesn't want his wife to feel lonely or alone. He wants her happiness. "New project," tugon niya sa kapatid at tumungo siya sa couch at pabagsak na umupo. Tinitigan siya nito nang mabuti na para bang may hindi pa siya sinabi rito. Umupo ito sa katapat niyang upuan. Ang namamagitan lang sa kanila ay ang mesa. Pinagsalikop nito ang mga kamay at hindi pa rin siya nito nilubayan ng tingin. Napailing na lang siya at natawa sa kinikilos nito. "Don't laugh. I know you, you hide something from me." Kuya Vince hissed at him. "Ano naman ang tinatago ko?" Tinaasan niya ito ng kilay. Kumibit-balikat na lang ito sa tanong niya. "Alam mo ang sagot sa tanong mo." Nawala ang ngiti niya sa mga labi sa sinabi nito sa kanya. "Diba dapat magsimula na kayong gumawa ng sariling pamilya? Bakit hanggang ngayon ay wala kayong balak? I've known you since then that you want a child, bro. To build your own family. The way you were staring at your niece or nephew, there was something in your eyes, which is hope, and I know you are in pain. Alam mong gusto mong magkaanak dahil matagal mo na iyang gusto at pinangarap mong magkaanak sa asawa mo." Wala talaga siyang kawala rito. "Until now, she didn't want to have a child. Still, she chose her work over me." Naaawa itong napatitig sa kanya. "Hindi na kayo bumabata. Dapat pagplanuhin ninyo iyan at matagal na kayong nagsasama ng asawa mo, pero para wala siyang balak magkaanak sa'yo," mahinanong wika nito at sandali itong napaisip. "About your wedding anniversary, malapit na pala. May plano ba kayo kung saan kayo pupuntang mag-asawa? Last time, hindi natuloy dahil may work siya at hindi ka naman pwedeng pumunta sa kanya." Ngumiti siya sa sinabi ni Kuya. Alam naman kasi niya na second priority siya ng asawa dahil sa work nito at hectic din ang schedule. Naintindihan naman niya ito dahil may mga kompanya na gusto itong gawing brand ambassador at hindi naman daw nito matanggihan dahil malaking opportunity iyon. Matagal na nitong pangarap na maging isang ambassador sa kilalang clothing line or any products. "I will surprise her, Kuya." Napaangat ang gilid ng labi nito. "Gan'yan nga, kahit busy sa inyo ang isa ay may isa naman ang gagawa ng paraan para magkasama kayo. Don't let your relationship ruined with your work. Spread love everywhere you go and follow your heart, Nate.” Napangiti siya sa sinabi nito. “Iba talaga nagagawa ng pag-ibig, ano? Malaki ang pinagbago mo, simula nang makilala mo ang asawa mong si Georgia. I’m happy for you, Kuya.” Sumilay ang ngiti nito sa labi at kumislap ang mga mata nito. “Wala e, gan’yan talaga magmahal. Masarap sa pakiramdam at palaging maganda ang araw at gabi mo kapag alam mong kontento ka na sa babaeng mahal mo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD