NATHANIEL Hinila niya ang kanyang asawa papalayo sa mga ito. Kahit nagpupumiglas sa kanyang pagkakahawak ay hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ni Aleia. Hindi niya akalain na ganito ang kanyang nadatnan. Parang iba ang kanyang pakiramdam na makita niyang kasama ng dalawang boss ng Hotel ang kanyang asawa. Sa nakikita niya kanina sa mga mata pa lamang ni Mr. Guerrero ay may ibang pinapahiwatig ito. Naramdaman niyang may kakaiba talaga sa kinikilos nito. “Ano ba!” Nagpupumiglas ito sa pagkakahawak niya sa pulso nito, pero hindi siya tuminag. Hindi niya ito pinakinggan. Patuloy lang niya itong hinila palayo. Palayo sa mga mapagmasid na mga mata. Nang wala ng mga tao sa paligid ay saka niya binitawan ang kamay nito. “What the hell are you doing here?” mariin niyang tanong dito. Pag

