MAHIGIT isang oras ang lumipas at nasa pintuan niyang muli si Jude. Umuwi ito marahil. Bagong paligo at plantsadong-plantsado pa ang suot na damit. Nakapaibabaw ang isang signature leather jacket. His hair was neatly combed at sa paningin ni Katrina ay lalo pa ito naging attractive. Parang kaysarap haplusin ng mukha nito na makinis na makinis ngayon at bagong ahit. He smelled of soap and musky after-shave lotion. He looked wonderful. And so perfect. "I arranged our lunch to be delivered before twelve. Maaga pa naman. Makakapanood pa tayo ng isang film. Here." Parang bahagya pa siyang nagulantang nang marinig ang boses nito. Iniabot sa kanya ang isang plastic ang ACA Video. "Ikaw na ang mamili kung ano ang gusto mong panoorin." Iba't iba ang klase ng pelikulang inarkila nito. May love st

