"WHAT--" Nasansala ang anumang itatanong niya sa pamamagitan ng ngiti ni Jude. Mas buhos ang atensyon nito sa dalawang unipormadong waiter na dumating. They were setting up the round table na ang mga ito rin ang may dala. Nawala sa ayos ang sala set niya. Itinabi iyon sa gilid kaya ang bilog na mesa ang nasa gitna. Tinakpan iyon ng silk tablecloth na maroon. Ang dalawang slim chairs na mataas ang sandalan ay dala rin ng mga ito. Inayos din iyon. At sa buong panahon ng preparasyon ay nakamasid lang siya. Bahagya na lang niyang ni-recognize ang pagpapaalam ng mga waiter. Nang tawagin siya ni Jude ay sinisindihan na nito ang tatlong floating rose candles na nasa gitna ng mesa. It was scented. At maya-maya lang ay kulay rosas na ang paligid. Nag-alangan siya sa paglapit. Alam niyang espe

