Queenie and Adan 8

1110 Words
SHE GOT hooked with a paperback novel. Dapit-hapon ay hindi pa rin niya iyon natatapos. Wala sana siyang balak na bitiwan iyon kung hindi niya naramdamang may dumating. “Tapos na akong magluto, Kuya,” narinig niyang sabi ni Lisa. “Si Queenie?” tanong naman ni Adan. “Nasa itaas. Nagalit yata sa akin sa kadaldalan ko.” “Baka kung anu-ano ang pinagsasabi mo, hindi mo pa naman kabisado iyong tao.” “Sabi ko lang namang bagay kayo.” Naririnig niya ang pag-uusap ng mga ito. “Uli-uli, magpepreno ka. Akala mo kasi, lahat ng tao ay puwede sa kadaldalan mo. Sige, umuwi ka na.” Nang matantiya ni Queenie na nakaalis na si Lisa ay saka pa lang siya bumaba. “Magandang gabi,” bati niya rito. Napangiti ang lalaki. “Magandang gabi rin sa iyo, binibini. Napakapormal naman ng pagbati mo.” “Mukha ka kasing galit. O gutom lang iyan? Maghahain na ako kung gusto mo nang kumain.” Tinitigan siya nito. Tila may panunumbat sa mga mata nito. “Bukas ng umaga, ikaw ang magluto. Sinagot ka ni Lisa ngayong gabi.” Lumabi siya. “Ikaw naman daw ang nagsabi sa kanya na magluto siya. At saka ang lakas ng loob mong magpaluto, wala naman palang lulutuin.” Ngumisi ito. “Siyempre, share din tayo roon.” Nilagpasan niya ito. Kusa na siyang naghain kahit wala pa itong sinasabi. Nalukot ang ilong niya nang makita ang ulam. Piniritong maya-maya. Sa hitsura ay sariwa naman, ang kaso ay wala siyang hilig sa isda. Nilapitan niya ang refrigerator. May anim na itlog at kamatis at saka ice cream. Ice cream? Napailing siya. Bukas ay wala na naman silang uulamin. “Bakit hindi pa tayo kumain?” untag ni Adan at dumulog na ito sa hapag. Ni hindi na nito inabala ang sariling maghugas ng mga kamay. “Sige na, mauna ka na. Hindi ako kumakain ng isda.” Saka niya inilabas ang itlog. Iyon na lang ang pagtitiyagaan niyang gawing ulam. “Ano`ng balak mong gawin?” Sumandok na nga ito ng kanin at nagsimula na itong sumubo. “Iluluto ko itong itlog mo.” “BROWNOUT!” tili ni Queenie nang biglang dumilim ang buong paligid. Paakyat na siya sa hagdan komo si Adan naman ang nagprisintang magligpit ng kinainan nila. “Nasaan ka ba?” malakas na tanong nito. “Dito sa hagdan.” “Don’t move. Maghahanap ako ng kandila.” Naupo siya sa baitang. Kahit naman sabihin nitong umalis siya sa kinatatayuan ay hindi niya gagawin. Hindi pa niya kabisado ang bahay at malamang na madapa siya kung mangangahas siyang mangapa. “Bakit ang tagal mo?” inip na wika niya makaraan ang isang minuto. “Wala ka bang lighter man lang?” “Hindi ako nagsisigarilyo. Saan mo ba inilagay ang posporo?” “Diyan sa kalan.” Nakabibingi ang katahimikan. “Wala!” anito sa malakas na boses. Naramdaman niyang pinapapak na ng lamok ang mga binti niya. Sa halip na sumagot ay tumindig na siya para tumulong sa paghahanap ng posporo. “Diyan ko lang naman ipinatong,” aniya habang kakapa-kapa ang kanyang mga lakad. Talagang madilim ang buong paligid. Kahit sarili niya ay hindi niya maaninag. Kanina pa sila nagsara ng mga bintana kung kaya’t walang katiting mang liwanag na nagmumula sa labas. “Mayroon sa platera,” sabi ni Adan. “Iyon na lang ang—” “Ay!” Pakiramdam niya ay may bumangga sa kanyang pader. Nawalan siya ng panimbang at kahit na wala namang nakikita ay ipinikit pa rin niya ang mga mata. Hinintay niyang saluhin siya ng matigas na baldosa. Pero bago pa man sumayad ang katawan niya ay may sumalo na sa kanya. Sa katawan nito siya bumagsak. “Ano’ng ginagawa mo sa gitna?” sita nito sa kanya. Naramdaman niya ang bibig nito sa kanyang pisngi. Sobrang lapit. Umaabot sa balat niya ang hanging lumalabas sa bibig nito. “I-I’m going to find the match,” tugon niya. Gusto niyang bumangon. Ngunit nakapulupot sa baywang niya ang mga bisig nito. Wari ay wala itong balak na bitiwan siya. Marahil ay nakalimutan nitong nasa sahig sila. Ramdam niya ang init ng katawan nito. He had the smell of sweat and sun. Pero sa pagtataka niya sa sarili ay hindi nalukot ang ilong niya sa amoy nito. In fact, she was intoxicated. To her senses, tatalunin ng samyo nito ang isang mamahaling pabango. “Ang sabi ko sa iyo ay huwag kang aalis sa kinaroroonan mo. Paano kung hindi kita nasalo? Malamang bumagok pa ang ulo mo sa semento,” sermon nito sa tonong galit. But she recognized the concern in his voice na pinag-sikapan nitong itago sa iritadong tinig. “Oh, thanks!” patuya niyang wika. Kumilos siya para umalis sa ibabaw nito ngunit natigilan siya. She felt his manhood beneath her... in its rigid state. Narinig niya ang mahinang ungol nito. “Adan...” Sa isang kisap-mata ay tila biglang namaos ang kanyang tinig. Isang uri ng init ang gumapang sa kanyang kabuuan. Tila hindi na niya gustong kumilos. “Yes, Queenie...” nanunudyong sambit nito. Tila nahuhulaan niya ang kasalukuyang nararam-daman nito. Kumilos ang isang kamay nito at dumako iyon sa kanyang batok. Marahan siya nitong kinabig. “This is unexpected...” bulong nito. Hanggang sa dumampi ang mga labi nito sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya sa kapangahasan nito. Ang pintig ng kanyang puso ay tila wala nang kontrol. Bahagya niyang naibuka ang mga labi. At sinamantala nito iyon dahil lalong lumalim ang halik nito sa kanya. Namalayan na lamang niyang gumaganti na siya rito. Ang mga kamay nito ay kumilos para iayos ang katawan niya sa ibabaw nito. Parang papel na nilaro siya ng hangin. Naramdaman niya ang kamay nitong dumama sa kanyang dibdib. Napasinghap siya. “Adan...” daing niya. She was aching and yet it excited her more. He made a frustrated groan. A second longer at wala nang makakapagpigil pa rito. He would take her right there and then. He planted a soft kiss on her lips bago nito iniiwas ang sariling mga labi. “Queenie...” he murmured. He was no doubt asking for more. “What?” tila sa inaantok ang tonong tugon niya. She was wondering why he ended that aching kiss. “Naisip mo na ba kung saan mo inilagay ang posporo?” Daig pa niya ang binuhusan ng malamig na tubig. Bigla siyang bumangon at walang pakialam kung naitukod man niya ang siko sa dibdib nito. Napadaing ito. Ngunit hindi niya iyon pansin dahil she was mad and embarrassed at the same time. Parang gusto niya itong patayin!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD