Abby's POV: Andito kami ngayon ni Rem sa loob ng saksakyan, sa labas lamang ng restaurant. Si Corson naman ay naiwan sa mga bata para magbantay. Hinihintay lamang namin ang pagdating ni Harvey. "Dumating ka din!" Nakahinga ako ng maluwag nang dumating si Harvey. Maasahan din 'tong taong ito, pagdating sa mga ganitong bagay. Dati inis na inis pa ako sa kan'ya dahil niloko niya si Rina, pero nang malaman namin ang totoo ay laking awa ko din sa kan'ya. Kaya siguro, ganito na lang siya makatulong sa amin kasi naranasan niya rin. "Traffic kaya." Paliwanag pa ni Harvey. "Tara na!" Sambit ko. Nakita ko pang nilingon ni Harvey si Charmaigne na nakatali sa backseat at may busal ang bunganga. "Wow, te?! Daig mo pa ang mafia ah!" Loko niya sa akin na inirapan ko lamang. "She’s coercing me int

