Someone's POV: "Puta, baka mga parak 'yan ah!" Bulalas ni Bogart, nang marinig ang paparating na mga sasakyan. Mabilis ang kilos ng apat ko pang mga kasamahan at nagsitakbuhan sila patungo sa ilog sa takot na madiskobre ng mga parak at mahuli. Ilang buwan na rin nang mapunta kami sa liblib na lugar na ito. Tyempo naman na abandonado na ito, kaya naman dito na kami nanatili. Mabuti na lamang at puno ng prutas ang paligid, kaya naman nakakakain kami at naitatawid ang isang araw namin sa pananatili rito. Nauna silang magtago habang ako ay nagtago sa likod ng puno at naghihintay kung sino ang pangahas na nagpunta sa lugar na ito. Kitang-kita ko at nasaksihan ang pagdating ng tatlong tao bitbit ang babaeng bihag nila at ang ginawa ng babaeng maganda sa bihag nilang babae na maganda rin. Pa

