Serah's POV: Tulad ng sinabi ni Seb na mag baba-bakasyon kami ay natupad nga iyon kinabukasan, kasama sila Helga, Mama at Zamiel. Pero ang akala kong malapit lang ay sa China pala. Hindi ko alam na mayroon pala siyang private plane. Hindi rin kasi 'to mayabang si Seb. Simpleng lalaki lang kasi talaga siya katulad ni Zamiel na isa sa mga katangiang nagustuhan ko sa kanilang dalawa. Bukod roon ay hindi rin sila matapobre kaya naman ay minahal ko talaga silang dalawa. "Para saan ba 'to?" Naiinis kong tanong kay Helga. She braided my hair into a princess-inspired updo and she made me wear a layered white wool dress with a colorful robe embellished with turquoise and pema carnelian agate beads. Ang dami niyang pakulo! Ano kaya ito? Para na ata akong timang tingnan nito. "Naku! Napakaganda

