Rem's POV: Me: I hope you’re doing well. Nakakalimutan mo atang i-chat ako? Sobrang busy ba d'yan sa pinapagawa mo? Napabuntong hininga ako nang wala akong makuhang reply galing sa kan'ya. I tried calling her, but she didn’t pick up. Me: Miss na kita, Abby ko! Me: I can't wait to see you again! Hays, kung hindi ko lang inaasikaso ang company namin ay pupuntahan ko na siya agad. May tiwala naman ako sa kan'ya. Alam kong hindi siya gagawa ng kalokohan doon, kaya panatag ang loob ko. Bago ako tuluyang mabuang kakaisip kay Abby ay sasadyain ko na siya. Pero bago pumunta sa Batangas ay napagpasyahan kong dumaan muna sa bahay ni Abby sa Tagaytay. Mabuti na lang at ipinahawak niya sa akin ang susi. Simula nang makarating ako sa bahay na ito ay kung ano-ano ng kababalaghan ang nangyaya

