Serah's POV: Hindi ko inaasahan ang bisita ko pagkadating na pagkadating namin sa bahay. Tinapik nila Zamiel at Seb ang aking balikat matapos akong tumango sa kanila ay nauna na silang pumasok sa loob ng bahay. It was Papa. He was seated silently on the front porch of our house. Nang makita niya ako ay tumayo agad siya at sinalubong ako. Niyakap niya ako nang makita ako na ikinagulat ko. Bakit siya andito? Ni minsan naman hindi niya ako kinilala bilang anak. He was disgusted by the mere sight of his illegitimate daughter, kaya bakit siya andito? Sobrang nakakapagtaka talaga na andito siya sa amin. "Serah, anak," he said. Oh? Anak? Napaawang ang bibig ko sa tinawag niya sa akin. Kay tagal kong ninais ang tawagin ng sarili kong ama ng anak. Ano naman kayang dahilan bakit niya akong t

