Corson's POV: Dahil maaga pa ay napagpasyahan naming mag-inuman ni Rem. He said I was his older brother, and we loved the same girl. Damn! Akala niya ba ibibigay ko sa kan'ya si Abby? No, fvcking way! I can’t imagine losing her again. It would be devastating. "How much do you love her?" Seryoso niyang tanong. Bakit akala niya ba hindi malalim ang pagmamahal ko kay Abby? Akala niya ba mapapaalis niya ako sa buhay ni Abby ng madali? No! Mamatay muna ako bago ko gawin iyon. Tiningnan ko siya ng mariin sabay inom sa hawak kong beer. "Natatandaan siya ng puso ko kahit hindi ng utak ko. Kahit malimutan siya ng utak ko, siya lang ang babaeng nagustuhan ko sa dinami-dami ng babaeng nakita ko." Pag-amin ko sa kan'ya. Umasim naman ang mukha niya sa narinig niya. "Hindi ko siya pakakawalan!"

