Aidan's POV: Nagising ako nang may umiihip sa aking tainga. Dahan-dahan kong iminulat ang talukap ng aking mga mata. At agad bumungad sa akin ang magandang mukha ni Fri. Agad siyang humagikgik nang makitang nakamulat ako. Damn! She looks like an angel in the morning with her glowing skin and bright smile. Agad ko siyang niyakap at hinalikan sa pisngi. "Eww! Kadiri ka talaga, Kuya!" Sabay punas niya sa mukha niya na akala mo naman talaga diring-diri. "Ang arte! Para kiniss lang, e! Akala mo naman mamatay sa laway ko." Muli kong niyapos siya sabay halik sa pisngi niya ulit. "Kadiri ka talaga Kuya Aidan!" Sabay pukpok niya sa akin ng unan. "Ah, gan'on ha!" Pilit kong hinapit ang leeg niya at hahalikan sana siya sa pisngi ulit. Ngunit sa sobrang panlalaban niya ay nawalan ako ng balans

