Corson's POV: "This is all your fault!" Sigaw ko kay Rem habang nasa labas kami ng silid ni Abby sa St. James Hospital. "Hanggang ngayon wala parin siyang malay ng dahil d'yan sa pinaggagawa mo!" "Alangan naman pabayaan ko ang anak ko!" Sigaw niya pabalik. Gago talaga 'tong kapatid ko kahit kailan. Tangina lang! Sa aming dalawa, ramdam na ramdam ko na mas mahal siya ni Abby pero nagbubulag-bulagan ako kasi mahal ko 'yung tao. Hinahayaan ko na lang, basta alam kong mahal din ako. Kaya lahat ginagawa ko para mas lalo niya akong mahalin pero 'tong lintek na kapatid ko kahit wala siyang gawin na kahit ano ay siya parin ang mas mahal ni Abby. Ngayon naman may ganitong problema siya, hindi man lang umamin kay Abby para naman hindi nagmumukhang tanga 'yung isa. May hinala talaga akong nakit

