Rem"s POV: Now playing: LOVE ME ANYWAY BY PINK Gusto kong magwala! Putang-ina! Nasa Hospital na siya't lahat-lahat may pasakit pa siyang dala-dala sa amin ni Abby! "Hayop kang babae ka!!!" Malakas kong sigaw. Nang sumigaw ako ay biglang umiyak si Naven at tinatakpan ang kan'yang dalawang tainga na wari ay may kinakatakutan. Agad ko siyang dinaluhan at niyakap ng mahigpit. "I'm sorry, son! Hindi na ulit sisigaw si papa." Sambit ko habang mahinang tinatapik-tapik ang likod niya. Maya-maya lang ay tumahan na ito at nahimasmasan habang nakayakap sa akin. Parang lumaki ang batang ito sa hindi magandang environment. Palaging natatakot sa tuwing may sumisigaw, kaya hindi ko rin maiwan-iwanan. Kaya naman lahat ay ginagawa ko para lang mapasaya siya. Basta na lang itong iniwan sa'kin ng l

