Serah's POV: Habang nagluluto ako ng caldereta ay nakayakap lamang mula sa likod ko si Zamiel. "Ang bango-bango mo naman este 'yong niluluto mo," wika ni Zamiel sa akin sabay kagat sa leeg ko "Pa'no ba ako makakaluto ng ayos nito? Kung may bampirang kagat ng kagat sa leeg ko." Reklamo ko sa kan'ya. Humagikgik naman siya pagkasabi ko n'on. "I can't help it; you smell so good." aniya. Lumayo siya ng makarinig ng yabag. Hindi p'wedeng malaman ni mama na may relasyon kami Zamiel, baka itakwil niya ako ng 'di oras. Baka sa kangkungan na lang ako bigla matagpuan. "May naghahanap sa'yo, anak!" Bungad sa akin ni mama mula galing sa labas. "Sino daw ho?" Tanong ko naman. "Hi!" Biglang bungad sa akin ng make-up artist ko na galing pa ng Manila. Nagulat ako dahil hindi ko naman siya nasabih

