Corson's POV: Halos tatlong buwan akong walang malay sa hospital bago nakauwi sa bahay ng nakatagpo sa akin na palutang-lutang sa dagat na si Tito Carlos. Maswerte daw ako nang matagpuan na may suot na lifejacket ngunit ang ulo ko naman ay duguan. Siguro daw ay malakas na napahampas sa kung anong matigas na bagay ang aking ulo, na naging dahilan ng aking panandaliang pagkalimot. Mabuti na lamang daw ay tyempong napadaan sila sa akin baka daw kung hindi na agapan ay siguro daw ay pinaglalamayan na daw talaga ako. Mabuti na lang din mababait ang kumopkop sa akin at pinatira ako at pinakain ng libre sa kanila. Ang aking pinagkakakitaan ngayon ay ang pagpipinta, na aksidente ko lamang nadiskubre sa apo ni Tito Carlos. Sinubukan kong iguhit ang proyekto nito na madali ko namang nagawa. Sunod

