Serah's POV: Kinagabihan ay dumating si Seb. Para akong isang may bahay na nakaabang sa kan'yang paglabas mula sa sasakyan. Nang makalabas siya ay agad akong lumambitin sa kan'ya at agad naman niya akong binuhat habang hawak ang isang bungkos na bulaklak ng tulips. I miss him so much! Kaninang madaling araw lang siya umalis ngunit sabik na sabik akong makita siya. Hindi ko alam kung bakit naging ganito ako kasabik na sa kan'ya ulit. Siguro ay ginayuma niya na ako, kaya naman para akong bata ngayon na nakasabit sa kan'ya. "Ano ba, Serah! Pumasok nga muna kayo rito sa loob ng bahay, para kang tuko d'yan na nakasabit kay Seb!" Sita ni mama sa akin. "Ayaw!" Sabay hilig ko sa leeg ni Seb. "Sira ulo talagang babaeng ito, ah! Aba'y teka nga!" Nang biglang bumaba si mama na dala ang kan'yang

