Sebastian's POV: The night is cold and empty. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga sa kaiiyak ko magdamag. Hindi ko parin kayang tanggapin na mawawala na siya sa akin. Pakiramdam ko ay napilayan ako dahil ang isa sa aking ginawang sandalan ay mawawala na. Nakatulog na nga ako sa kakaiyak ko. Halos hindi ko na nga maimulat ang aking mata sa sobrang mugto sa kaiiyak. Hindi ko inasahan na dadating ito sa akin. Sobrang sakit ang malaman na habang nagbabanat ako ng buto para sana sa future naming dalawa ni Serah ay ganito naman ang kan'yang ginawa. Hindi ako makapaniwala na kaya niya itong gawin. I trusted her so much! Nang matapos maligo ay dumeretso ako sa walk-in closet ko. Nang makita ko ang singsing sa closet ko ay kaagad tumulo ang aking luha. Kahit anong pigil ko talaga ay pilit k

