‼️ PAALALA ‼️ ANG STORY NA ITO AY FORBIDDEN LOVE ‼️ Abby's Pov: Tulala ako sa napanaginipan ko hanggang sa makatapos ako sa paliligo ay hindi parin ako makakilos ng maayos. Parang robot ang aking galaw at wala sa sarili akong naupo habang nagsusuklay. Hindi ko kinakaya ang sakit na naramdaman ni Sebastian sa aking napanaginipan. Pakiramdam ko ay kinukurot ang puso ko sa tuwing makikita siya kung paano siya nasasaktan. Hindi ko na namalayang tumutulo na pala ang aking mga luha ng walang tigil. Hindi ko alam kung anong nangyare pero natagpuan ko na lamang ang aking sariling mga paa na binabagtas ang daan patungo sa harap ng bahay ni Corson. Ipinikit ko ang aking mata nang matapat ako sa gate ng bahay niya. Pakiramdam ko ay siya lamang ang makakapawi ng aking lungkot ngayon. Nang makita

