PROLOGUE
Sea Point of View
It's been a year since he left me behind without a valid reason kung bakit niya ako iniwan. Simula no'n, naging spoiled brat na ako. Sa isang araw, naka-sampung lalaki akong nilalandi pero hanggang landi lang. Iyong pinatitigas ko lang mga alaga nila, ga'non ang naging trip ko. Umuwi ng lasing at nagdidirty talk sa harap ng mga alaga kong aso. I couldn't, I couldn't even know myself na. Ang laki ng pinagbago ko. At nakokonsimisyon na si Daddy sa akin sa pagiging WILD DAUGHTER ko. Pati pag-aaral ko ay napapabayaan ko na, kahit ang mga professor kong lalaki ay hindi nakaligtas sa akin.
“ Oh my god! Kaninong brief 'tong nasa bag mo, Sea?” gulat na napatayo si Alexis nang halungkatin niya laman ng bag ko. Imbes na sagutin siya, napakagat lagi ako. Nakalimutan kong isauli iyong brief ni Professor Lee at sabay na nagpout. “Nakalimang kilo kaba ng drugs, Sea? Sa dinami-raming pwede mong ilagay sa bag mo, BRIEF pa talaga. Kanino namang brief ito?” pinitik niya pa noo ko, pero ngumisi lang ako nang malapad nang maalala ko ang katarantaduhang ginawa ko kay Professor Lee. “That's my thing, Alexis. Wag mo pakialaman mga gamit ko!” sabay hila ng brief na hawak niya.
Nasa canteen kasi kaming dalawa at nakatingin sa gawi namin ang mga iilang tsismosa rito sa University. Iyong iilang ay napapailing nalang pero pinanlilisikan ko sila ng mata. I am their Queen Campus, and I can do whatever I want. At isa pa, Daddy ko ang owner ng university na ito kaya't walang nakakapalag sa akin. Siyempre, 'di nila alam na anak ako ng may-ari ng unibersidad na ito. Medyo lowkey lang pero maldita at bully nga lang. Lahat ng binubully ko ay puro lalaki, hindi physically na pangbubully kundi iyong kahinaan nila ang pinupuntirya ko.
“Aba, Sea! Tunay ka ngang spoiled brat,” anya pa niya sabay pitik muli sa noo ko. At siya lang nakakagawa sa akin niyan kahit ang Daddy ko ay hindi pa ako pinitik o kinurot. Tanging siya lang talaga—ang bestfriend kong spoiled brat rin pero marupok. “Aawww! Nagsalita ang di spoiled brat!”
At bigla nalang may dumaan na bagong transferee na lalaki, natapunan niya ng juice ang damit ko. Kaya't napatayo ako nang wala sa oras. Nerdy siya but hottie. Nanginginig ang tuhod niya sa takot. “Gusto mo dukutin ko iyong---” sabay tingin sa pants niya. Napalunok ito at awtomatikong napatakip sa alaga niya. Ngumisi ako. “Interesting,” bulong ko. Sunod-sunod ang paglunok niya ng laway at ako naman ay napapakagat sa aking labi ng husto. Next Target Unlock. “S-sorry, hindi...ko sinasadya!” nauutal niyang sambit sabay punas sa dibdib ko na natapunan niya ng juice.
Narinig kong tumawa ng mahina sa likod ko si Alexis. She knew me very well, alam na niya next move ko. Bigla kong hinawakan ang kamay niya. “Oh, bakit? Natulala ka?“ malandi kong bulong sa tenga niya na halos ikinabalisa niya at sabay kong nilagay sa dibdib ko ang kamay niya. Napaatras siya sa ginawa ko. “S-sorry, i didn't mean it!” anya pa niya sabay tumakbo palabas ng canteen.
Napapailing nalang ako at natatawa habang sinusundan ito ng tingin palabas ng canteen. “You like him?” mapanuksong tanong ni Alexis sa akin sabay sundot sa tagiliran ko. “More than that,” sagot ko pa.
PAGKATAPOS ng klase, dumiretso kaming dalawa ni Alexis sa Orienthi's Bar. Pagmamay-ari ng kapatid ni Alexis—si Ate Gera na sinunod pa sa anak nitong si Baby Orienthi. Baby Yanie ang tawag ko sa pamangkin niyang iyon. Nakatanggap ako ng text mula kay Daddy. He wants me to go home, kasi daw may ipapakilala siyang guy sa akin. Anak ata ng business partner niya. Ngunit 'di ako interesado sa anak ng business partner niya. Gusto na niya kasi ako magkaro'n ng boyfriend pero I disagree. Ayoko pang magkaro'n ng boyfriend na magiging sakit lamang ng ulo ko. Not now, I am not ready pa at tsaka gusto ko, ako mismo ang maghuhunt ng lalaking mamahalin ko. Ini-off ko ang aking phone nang sa gano'n ay walang makakadisturbo sa pagiging WILD and FREE ko sa gabing ito. It's time para maghasik na naman ako ng lagim sa bar nila Ate Gera. Pinark ko ang aking kotse. At siyempre, naunang dumating si Alexis sa bar ng ate niya. Sinalubong at binati ako ng isa sa mga bouncer na minsang nabaliw sa akin. “Good afternoon, Miss Sea!” I nodded. He tapped my shoulder but I took off his hands away from me. That was my warning signal na ayokong magpahawak muli sa kaniya, not anymore. Nawala bigla sa paningin ko si Alexis at napapailing nalang ako nang makita ko siyang nakaupo sa kandungan ng boyfriend niya. Ang bilis ng bestfriend ko.
Thirty minutes passed, I found myself na nasa dance floor na ako. As in, nasa gitna ako ng mga kalalakihan. At sa mga sandaling 'to, tuluyan ng nilamon ng alak ang espiritu ko. I don't know my actions na, mas lalo akong naging WILD.
KINABUKASAN, napabalikwas ako ng bangon nang may gumalaw sa tabi ko. It was a guy. I ended with a guy? But I couldn't even recognize him. Agad kong sinuri ang sarili ko, at wala akong anumang saplot sa katawan. As in, nakahubad ako, tanging kumot lamang ang nakatakip sa katawan ko. Napaiyak ako nang maalala ko ang aking virginity. Naisuko ko nang wala sa oras ang pagkabirhen ko sa lalaking 'di ko kilala? Shocked, what did you do, Sea? “Who the hell are you?!” sigaw ko kaya't napabalikwas ito ng bangon. Napapitlag ako nang mamukhaan ko ang lalaking nakaangkin sa pagkakababae ko. It was him, ang lalaking nakatapon sa akin ng juice. Hindi pa siya nakasagot ay isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kaniya. “Ikaw?” di makapaniwalang sambit niya habang nakahawak sa pisngi niya. Sa sobrang galit ko. “What did you do to me?! How dare you to stole my virginity? I'll fvcking kill you!” galit na sigaw ko at mabilis na lumanding sa mukha niya ang nagbabaga kong kamao. “I-i'm sorry, I didn't mean it! We're both drunk!” anya pa nito sa akin. Napahagulhol nalang ako. Wala na, hindi na ako isang birhen. Sa dinami-raming lalaki na pwedeng makauna sa akin, siya pa talaga. Karma ko naba ito sa pagiging sadista at bully ko? Sa pagiging pasaway ko kay Daddy? I lost my virginity!
Three months passed, nasa beach kaming dalawa ni Alexis. Trip lang naming dalawa ang mag-beach. Habang naglalagay ako ng sunblock sa katawan ko, bigla akong nakaramdam ng pagkahilo.
“Sea!” huling narinig ko bago ako nawalan ng malay. PAGGISING ko, bumungad sa akin si Daddy habang nagpabalik-balik sa paglalakad. “Dad? Where the hell am I?” kaya't napahinto si Daddy sa kakalakad at lumingon sa akin.
“I'm glad that you're awake, Sea! Akala ko iiwan mo rin ako like your mom did.” Mahigpit niya akong niyakap ngunit gulong-gulong parin ako sa mga nangyari. Kung paano ako napunta rito. Sabay kaming napalingon ni Daddy nang may pumasok na doktor. “Ano'ng nangyari sa anak ko, dok?” tanong ni Daddy. Ngumiti lang ito sa akin.
“No worries, Mr. Apostle. Your daughter was three months pregnant with quadruplets!” napalunok ako ng laway nang marinig ito. Ako? Tatlong buwang buntis sa quadruplets? Damn it! “What?!” gulat kong sambit, tila hindi makapaniwala sa aking narinig. Biglang huminto ang oras sa mga sandaling ito. Lumingon sa gawi ko si Dad. Bakas sa mga mata niya ang pagkadismaya sa akin.
“Paanong nabuntis ang anak ko, dok? Never iyan nagkaboyfriend sa edad niyang iyan.”
“Di ko alam, Mr. Apostle pero basi sa naging result sa ginawa kong test sa kaniya. She already three months old pregnant with quadruplets.” Tanging naisagot no'ng doktor sa tanong ni daddy. Napahilamos ng mukha si daddy.
“Sea? May nakasiping ka nabang guy?” biglaang tanong ni Daddy sa akin. Napayuko na lamang ako nang maalala ko ang lalaking iyon. Ang nakasiping ko nang gabing iyon.
“Excuse me, iwasan mo na nating ma-stress ang anak mo, Mr. Apostle dahil nakakasama iyan sa kalagayan niya ngayon.” Singit ng doktor at nagpaalam ito sa amin nang maramdaman nitong may tensyon na namamagitan sa aming dalawa ni daddy.
"Kung sinuman ang lalaking nakabuntis sa'yo, kailangan niyang panagutan ang ipinagbubuntis mo. You both are irresponsible for it. I want to meet him as soon as possible. At para maikasal ko kayo agad-agad whether you like it or not, kundi masisira ang reputasyon natin." Nakayuko lamang ako. I didn't know what to do right now. Sa'n ko hahanapin ang lalaking iyon? Ni-pangalan niya ay hindi ko alam. Iyong address niya pa kaya. "Kahit kailan talaga, Sea. Sakit ka talaga sa ulo," huling sambit ni Dad at sabay na tumayo at iniwan akong mag-isa sa loob ng ward. Nanginginig kong tinext si Alexis. Magpapatulong akong hanapin ang lalaking iyon kahit ayokong makita ulit ang pagmumukha no'n. He ruined my life!
PAGSAPIT ng ilang linggo, it was 54th birthday ni Daddy. At dahil kami nalang dalawa ang magkasama since namatay ang Mommy ko sa sakit na brain cancer, we celebrate his birthday with his business partners dito mismo sa loob ng mansyon namin. At ito ang oras para ipakilala ko ang ama ng quadruplets ko, ang walangyang lalaki na nagnakaw ng virginity ko—si Hazler. Lumapit ako sa gawi ni Dad habang kausap niya ang iilan sa mga business partner niya. Nagpaalam naman ang kausap niya sa kaniya.
"Dad, may ipakilala ako sa'yo." Sabay kong hinatak braso ni Hazler, nanlaki ang mga mata ni Daddy nang masilayan niya mukha nito.
"Siya po ang naka-one night stand ko nang gabing iyon at ama ng quadruplets na pinagbubuntis ko—si Hazler Mendez," ngunit bigla akong natigilan sa pagsasalita nang biglang namutla si Daddy na para bang mahihimatay anumang sandali. Magkilala kaya sila?
"Magkakilala kayo, Dad?" At bigla nalang itong nahimatay sa harap namin ni Hazler.