Simula no’ng namatay si Rico, ang daming nagbago. Nagkabalikan kami ni Hazler. Mas nagagampanan ko na nang mabuti ang responsibilidad ko bilang ina sa mga anak, anak ni Daddy. Asawa ni Hazler, at CEO ng aming kumpanya. Pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin nakakausap ang bestfriend kong si Glydel. Hindi ko alam kung bakit. Nasa Masbate kasi siya, at hindi man lang niya naisip na dalawin ako rito sa Makati sabagay, malayo rin naman. Wala na rin akong balita tungkol sa kanila ni Ken. Nakakatampo lang talaga. Nasa opisina ako ngayon, abala sa pagpirma ng mga paperless documents, nang biglang nag-ring ang phone ko. Nang tingnan ko ito, unregistered number. Hindi ko alam kung sino. Nagdadalawang-isip ako kung sasagutin ko ba o hindi. Kadalasan kasi, si Secretary Divina ang tumatanggap ng cal

