Nagpaalam na si Daddy sa akin at bumalik na sa mga anak ko. Umupo si Hazler sa tabi ko. “I’m sorry for what happened to Rico,” mahinang sabi niya habang nakayuko. Siya ang dahilan kung bakit ako napadpad sa Masbate. Siya rin ang dahilan kung bakit nagkaganito ang buhay ko. I was wild and free noon, bago siya muling pumasok sa buhay naming mag-ama. Lahat ng paghihirap na pinagdaanan ko kay Rico kung hindi niya ako tinraydor noon hindi sana ako masasaktan nang ganito. Hindi sana mapapalapit ang loob ko kay Rico. Because of Rico, I felt complete. Pero nang muli kong makaharap si Hazler, doon ko narealize na siya pa rin pala ang laman ng puso ko. At lahat ng sakripisyo ni Rico para sa akin ay tila naglaho nang muli siyang bumalik sa buhay ko. “I know it was my fault. Inaamin ko ‘yon, Sea.

