Lumipas ang ilang araw ay nabalitaan ko mula kay Tita Yell na unti-unti na raw bumalik ang alaala ng anak niyang si Rico at paminsan-minsan ay dinadalaw niya ito sa bahay ng tiya Rosing niya. Labis akong natuwa, dahil sa wakas ay makikilala na ako ng kaibigan kong iyon.. Napagdesisyunan kong bumisita sa kaniya kasama ang asawa kong si Hazler at Tita Yell. Nagdala kami ng grocerie at prutas. Nasa iisang kotse kaming dalawa ni Hazler samantalang si Tita Yell ay dala niya ang kotse niya. Isang oras bago kami dumating sa bahay no'ng tiyahin ni Tita Yell at natanaw ko ang matanda habang nagwawalis ito sa bakuran ng kanilang bahay. Ngunit nang marinig nito ang busina ng kotse ni Tita ay agad rin itong napahinto sa kaniyang ginagawa at lumingon sa amin. Agad na pinark ni Tita ang kotse niya sa

