“S-sorry kung hindi kita agad pinaniwalaan , mommy!” hagulhol na turan ni Rico habang yakap-yakap si Tita. “Pssh, o-okay lang anak. Naintindihan naman kita e ang importante ay magkasama na tayo ulit at hindi na tayo magkakalayo pa. Pangako iyan sayo at babawi ako sa mga taon na hindi kita kasama. Pupunuin kita ng pagmamahal, mahal na mahal kita anak ko. Patawad sa nangyari sa kakambal mong si Jericho. Kung nalaman ko lang ang totoo edi sana ay buhay pa ang kakambal mo. “ “Wala kang kasalan, mom. At t'saka kinain na ng poot at galit si Kuya dahil sa masamang impluwensya ni daddy at mommy Elena. Kahit nga ako ay nagawa niyang patayin e!” anya ni Rico. Paano kung malaman niya na patay na si Ken? Natatakot ako sa magiging reaksyon niya. “Pssh, wag kang magtanim ng galit sa kakambal mo, an

