Three days later, inaya akong magdinner sa labas ng asawa kong si Hazler pagkatapos ng office hours. At may bagong bukas na restaurant malapit sa kumpanya namin. Puro seafoods ang naro'n. Nauumay narin kasi steak. “Di ba pwedeng kasama ang quadruplets natin?” tanong ko sa asawa ko habang pumipili. Bahagya siyang nag-angat ng tingin sa akin. “May date bang kasama mga anak natin. Dapat tayong dalawa lang. Next time mag family date tayo.” Walangya gusto niya pa akong solohin eh. Kumunot ang noo ko. Akala ko kasi ay normal na dinner lang pero date na pala. Di manlang ako ininform ng maayos. “Nah, ba't di mo sinabi?” nakakunot-noo kong tanong sa kaniya. “Syempre, gusto kitang isurprisa! May nakalimutan mo ata kung ano'ng petsa ngayon asawa ko!” mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niy

