Hindi ako umuwi, dumiretso ako sa bar. Akala ko nagbago na talaga ang asawa ko, pero mali pala ako. Nakuha niya pa rin akong pagtaksilan. Nilunod ko ang sarili ko sa alak. “Isa pang margarita, please!” abot ko ng baso sa bartender, at agad naman niyang sinalinan ito. Walang pag-aalinlangan kong ininom hanggang sa tuluyan akong lamunin ng espiritu ng alak. Umiikot na ang paningin ko. “I will never trust you again! Traydor ka!” umiiyak kong sigaw sabay pabagsak ng baso. May lumapit na lalaki hindi ko siya kilala. Ngayon ko lang siya nakita. Umupo siya sa tabi ko at iniabot ang panyo. Tinitigan ko lang iyon. “Take it, Miss!” Umiling ako at dahan-dahang tumayo, pero bumagsak ako sa sahig. “Miss, are you okay?” tanong niya at agad akong inalalayan. “I… I can handle myself!” Ak

