Nag-insist kaming dalawa ni Hazler na ihatid ang mga anak namin sa St. Luke Academy kung saan sila nag-aaral. “Mommy, Daddy! Talaga bang bati na kayong dalawa?” biglang tanong ni Hazri habang nasa back seat silang apat. Nagkatinginan kami ni Hazler at sabay na ngumiti. Hinawakan niya nang mahigpit ang aking kamay habang ang isa niyang kamay ay nasa manibela. “Y-yes, anak!” “For good?” tanong ni Hazmin, sabay hintay ng sagot mula sa amin. Nagkatinginan kami ni Hazler, sabay kaming ngumiti at tumango—dahilan upang magsigawan sila sa tuwa. Ito ang matagal kong ipinagkait sa mga anak ko: ang kaligayahan nilang makita kaming dalawa ng tatay nila na magkasama at nagmamahalan. Pagdating sa tapat ng eskwelahan, isa-isa silang humalik sa amin bago lumabas ng kotse. “Bye, Mom, Dad. Sana

