Nasa salas kaming dalawa ni Tita Yell at naiwan sa kwarto si Hazler, tulog pa ito. Napagod sa kalibugan niya kanina. “Ano po iyong pag-uusapan nating dalawa, Tita Yell?” kinakabahang tanong ko, humigop muna ito ng tsaa. Binuksan niya ang kaniyang laptop at may kung anong hinanap na files. Nang pindutin niya ang video ay natutop ko ang aking bibig sa sobrang gulat. Hindi ako pwedeng magkamali—iyong nasa ay ang asawa ng pinsan kong si Rico may kausap itong kahina-hinalang lalaki na panay ang lingon na tila ba hindi mapakali. May inabot na sobre si Bianca sa lalaki. Naguguluhan talaga ako sa nakita ko. At nababahala ako sa anumang pinag-usapan nong dalawa. “Ano pong ibig sabihin nong video, Tita Yell?” takang tanong ko. Bumuntong hininga siya at sabay na hinawakan ang aking kamay. “Have

